?

Log in

 
 
28 December 2011 @ 11:12 am
your taste is my attention  
"Lalaki, Babae, Lalaki"

Pumunta siya sa Simbahan pagkatapos ng klase. Bawat segundo ay parang tinik na tinatanggal mula sa kanyang balat. Sa kanyang paghakbang, pabigat ng pabigat ang bagahe sa mga balikat niya. Tumingala, natatakot ng konti, at tinitigan muna ang imahe ng Birhen bago lumipat ang paningin kay Kristo.
              
  "Panginoon..." ang kanyang bugtong hininga. Nanginig ng konti ang kanyang mga labi. "Heto... na ako," matamlay niyang sinabi. Pumikit ang kanyang mga mata; ayaw niyang magsayang ng kahit isang patak ng luha. Malakas siya, sinabi niya sa sarili. Malakas ako. Pero sa kanyang loob, alam niyang hindi ito totoo.
                
  Malapit na siyang magtapos sa pag-aaral; konting pagtitiis nalang sa pagsusulat at paglilista ng mga nakakahilong termino ng medisina at makukuha na rin niya ang kanyang lisensya. Konti nalang... Malapit na; natitikman na niya ang pagwawagi.
 
  Ngunit....
 
  Sumikip ang kanyang dibdib at hindi na niyang nakayanan; umupo siya sa bangko. Hindi na niya napansin ang pag-vibrate ng kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Hindi na niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
  
  Hindi na niya alam. Hindi na niya alam.
 
  Nag-propose siya kay Penelope noong nakaraang buwan. Muntikan nang mapaluha sa gitna ng klase ang babae, at natahimik lang noong napatingin ang professor sa kanilang direksyon. Palangiti si Penny, ang kanyang maliit na kamay nakahawak sa mas malaking kamay ng lalaki.
 
  “Oo,” sabi niya, “oo, oo…”
  
  Paulit-ulit niyang sinabi ito hanggang sa nakaabot ang balita kay Antonio, ang matalik na kaibigan ng fiance ni Penny. Nung una ngumiti lang ng parang nahihiya si Antonio; para ba’ng hindi niya alam ang sasabihin. Siguro nga’t hindi niya talaga alam.
  
  “Congratulations,ang pilit na sabi ni Antonio. Congratulations lang daw. Pero masaya naman si Penny sa bati. Siyempre. Hindi niya kasi alam. Hindi na niya alam.
 
  Isang buwan na ang nakalipas. Heto na siya: umiiyak, nagdudusa, naghihinalay—lahat sa harap ng iisang nilalang na hindi siya tatabuyin. Nakakatawa ngang isipin dahil ayaw daw ng Kristiyanong Katoliko sa ganitong mga isyu. Nakakatawa. Pero bakit siya umiiyak?
 
  Kung pwede nga lang at baguhin niya ang kurso ng buhay niya. Isang singsing. Isang tanong. Isang sagot. Lahat ng iyon ay nagbuo ng kanyang landas na hinaharap niya. Kung sa bagay, mahal din niya si Penelope. Ang kanyang Penelope. Si Penny. Si Penny at si…
 
  “Tonio,” sabi niya sa wala, sa hangin, sa statua ni Hesus, “Tonio, patawarin mo ‘ko. Alam mong hindi ko kayang lumabag. Hanggang puso lang ang pagrerebelde ko. Hindi. Si Penny, Tonio, si Penny…”
 
  Nakakatawa ngang isipin. Nakakatawa ngang tingnan; pakinggan; malasahan… Nakakatawa. Nakakatawang malaman na kay Hesus siya naghahanap ng ginhawa, pero sabi nga ng batas na bawal daw ang ginagawa niya.
  
  “Penny, Tonio, si Penny… Naghihintay siya at doon ako uuwi.”

==========

Found this at our Filipino blogspot thingo. Man. I wrote about gay love. It's glorious.
Tags:
 
 
emotional vault: dirtydirty
vocaloid: by Lydia